Ang TUMULA TAYO ay isang online na timpalak sa pagsulat ng katutubong tula (Diyóna, Dalít, o Tanagà) na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino, sa Buwan ng Panitikan. Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng UNESCO International Decade of the Indigenous Languages (2022-2032) na nakaangkla sa Deklarasyon ng Los Pinos (Los Pinos Declaration) na nagtataguyod ng karapatan ng Mámamayáng Katutubo sa malayang pagpapahayag, pagkakaroon ng akses sa edukasyon, at partisipasyon sa mga gawaing pampamayanán gámit ang katutubong wika bílang pangunahing kahingian sa pagpapanatiling buháy ng mga wikang pamana na ang karamihan ay nanganganib nang maglaho.
Para sa edisyong 2022, bukás ang timpalak sa mga Diyóna, Dalít, at Tanagá na nakasulat sa wikang Filipino na pumapaksa sa “Pagpapahalaga sa Kasaysayan, Kultura, Karapatan, Kapakanan, at Wika ng mga katutubo (Indigenous Peoples)”.
Mga tuntunin:
Ipapaskil ang mga tula (Diyóna, Dalít, o Tanagà) sa seksiyon ng mga komento (comment section) sa nakatalagang poster para sa bawat anyo ng tula. Susundin ang sumusunod na iskedyul para sa pagpapaskil:
7-20 Pebrero 2022 – Diyóna
21 Pebrero-6 Marso 2022 – Dalít
7-20 Marso 2022 – Tanagà
Magiging opisyal ang mga lahok kapag ipinaskil ito sa seksiyon ng komento (comment section) ng partikular na poster para sa anyo na matatagpuan sa page ng KWF.
Tatanggap ng mga orihinal na tula na nakasulat sa wikang Filipino at may paksang “Pagpapahalaga sa Kasaysayan, Kultura, Karapatan, Kapakanan, at Wika ng mga katutubo (Indigenous Peoples)”
Ang mga gantimpala ay ang sumusunod:
Unang gantimpala, PHP5,600.00
Ikalawang gantimpala, PHP3,360.00
Ikatlong gantimpala, PHP2,240.00
Ang mga gantimapalang nabanggit ay mababawasan ng kaukulang buwis (12%)
Maaaring lumahok sa lahat ng kategorya ngunit isang entry lamang sa bawat kategorya ang tatanggapin.
Isang beses lamang mananalo ang isang kalahok sa lahat ng kategorya.
Pinal at hindi na mababago ang magiging pasiya ng mga hurado sa timpalak. (PR)