Site icon Dispatch Today News

Panawagan sa Pagdodokumento ng Wika, bukás na!

Ano ang estado ng wikang Mamanwa?
Saang mga dominyo ginagamit ang wikang Kuyunon?
Bakit umuunti ang gumagamit ng wikang Irungdungan?
Paano nagagamit sa edukasyon ang wikang Hamtikanon?
Ilan lámang ito sa napakaraming tanong hinggil sa mga wikang katutubo ng Pilipinas na
nais tugunan ng proyektong Dokumentasyon ng mga Wika at Kultura.
Dahil dito, inaanyayahan ang mga mananaliksik na nása larang ng Filipino,
Antropolohiya, Lingguwistika, Kasaysayan, at mga kaugnay na disipilina; gayundin, ang
mga tagapagsalita ng katutubong wika at kasapi ng katutubong pamayanang kultural na
magsumite ng aplikasyon at panukala.
Ang hulíng araw ng pagsusumite ng aplikasyon at panukala ay sa 30 Oktubre 2023.
Ang mapipiling mga aplikante ay pagkakalooban ng Komisyon sa Wikang Filipino ng
grant na hindi bababa sa PHP300,000.00.
Layunin ng proyekto na masaliksik o maidokumento ang lahat ng wikang katutubo ng
Pilipinas, matukoy at mabalida ang sitwasyong pangwika at pangkultura ng komunidad,
at makapaglimbag ng mga manuskrito na tutugon sa kakulangan ng mga pag-aaral
hinggil sa wika at kultura ng katutubong pamayanang kultural.
Para sa pagsusumite ng aplikasyon at panukala, i-click
ang https://bit.ly/KWFdokumentasyon2024.
Para sa tuntunin, pormularyo ng panukala, gabay na mga tanong, iskedyul ng
pagsasagawa ng proyekto, at mga wika ng Pilipinas, i-click
ang https://bit.ly/KWFgrantDokumento.

Exit mobile version